DOH, binigyan na ng pahintulot ang NCRPO na magbigay ng certification sa mga pulis na sumailalim sa kanilang temporary treatment and monitoring facility

Pinayagan na ng Department of Health (DOH) ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na mag-isyu ng certification sa mga pulis na naging pasyente ng kanilang temporary treatment and monitoring facility.

Ayon kay Dr. Corazon Flores, OIC ng DOH Metro Manila Center for Health Development, maganda ang ginawang hakbang ni NCRPO Director Police Major General Debold Sinas sa pagtatayo ng treatment facilities sa loob at labas ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City.

Ito’y para mapangalagaan ang mga pulis na nahawaan COVID-19.


Sinabi pa ni Flores na maayos ang kagamitan at mga nagbabantay ng itinayong pasilidad kaya’t walang dahilan upang hindi sila payagaan na maglabas ng certification.

Dagdag pa ni Flores na inaasahan ng DOH na magtutuluy-tuloy ang maayos na palakad sa treatment facility ng NCRPO sa ilalim nang pangangasiwa ni Sinas.

Facebook Comments