DOH, blangko pa sa epekto sa katawan ng tao ng Omicron variant

Aminado ang Department of Health (DOH) na hindi pa matukoy ng mga eksperto ang epekto sa katawan ng tao ng Omicron variant ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, patuloy pa ang pag-aaral at pagkalap ng impormasyon kung mild lamang o kung gaano kabilis makahawa ang Omicron variant at kung may epekto ito sa bisa ng bakuna.

Blangko rin ang mga eksperto sa sintomas na dulot ng Omicron variant at kung ano ang pagkakaiba nito sa iba pang variant ng COVID-19.


Sinabi ni Vergeire na inanunsyo na rin ni World Health Organization (WHO) Country Representative Rabindra Abeyasinghe na 1 hanggang 2 linggo pa bago matukoy ang mga impormasyon hinggil sa epekto sa katawan ng tao ng nasabing variant.

Facebook Comments