Walang balak ang Department of Health (DOH) na irekomenda na pahabain pa ang 14-day quarantine period para malabanan ang bagong variant ng COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, base sa mga ebidensya at pag-aaral ng mga eksperto hindi naman nabago ang mga mekanismo ng bagong COVID-19 para makahawa.
Sinabi ni Vergeire na ang kailangan lamang gawin ay mas palakasin pa ang health protocols gayundin ang isolation at quarantine protocols ng Local Government Units (LGUs).
Dapat din aniyang matiyak na ang lahat ng mga ie-endorso na pasyente sa kanila ng national government ay susunod sa 14-day quarantine period.
Facebook Comments