Kinumpirma ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III na bumaba na ang kagawaran sa level ng Local Government Units (LGUs) partikular sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.
Sa harap ito ng patuloy na paglobo ng kaso ng COVID sa Region 4A, Region 3, 6 at 7, bukod pa sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Duque, kahapon ay nagsimula na silang mag-deploy ng CODE na tutulong sa LGUs para sa ground efforts kontra COVID-19.
Tinukoy ni Duque and community activity engagements at house to house symptoms checking.
Kabilang na sa napuntahan ng DOH ang Laguna kung saan pinulong at binigyan ng gabay at technical assistance ang kanilang LGU para mas mapaigting pa ang laban kontra COVID-19.
Tiniyak din ni Duque na malaking bilang ng kanilang hina-hire na frontliners ay idedeploy sa CALABARZON o Region 4A.