DOH CAR, Umapela!

Baguio, Philippines – Nilinaw pa din ng Department of Health Cordillera o DOH -CAR na ang desisyon para kanselahin o suspindihin ang ilang mga pista sa bansa ay desisyon pa din ng mga lokal ng gobyerno kung saan maalala dito sa rehiyong Cordillera, mayroon ng sampung Lokal Goverment Units o LGU ang nagkansela ng ilang mga pistang may “crowd drawing tourism” na aktibidad para maiwasan ang pagkalat ng Corona Virus Desease o Covid-19 sa rehiyon.

Sa inihain naman na joint Memorandum ng Departments of Tourism (DOT), Department of Interior and Local Government (DILG) at ng DOH na inisyu noong Pebrero 7, nakasaad na ligtas at maari pa din namang mag-organisa at pumunta sa mga public gatherings, mga meeting at pista basta lahat ng precautionary measures na sinabi ng DOH ay masusunod.

Para naman sa desisyon sa kanselasyon o suspensyon ng ilang mga pista sa rehiyon, kung ang DOH ba ang masusunod, nilinaw muli ni DOH–CAR Officer In Charge Director, Doctor Amelita Pangilinan na ang lokal na gobyerno lamang ang may huling desisyon patungkol sa pagkansela at pagsuspindi ng mga pista para maiwasan ang naturang sakit.


Ayon din sa doctor, ang DOH lamang ang nagbibigay ng mga update at mga panibagong datos at impormasyon patungkol sa Covid-19.

Ilan naman sa mga LGU na nagkansela ng mga Crowd Drawing Activities nila ay ang pista sa Buguias Benguet, ang `Strawberry Festival’ ng La trinidad Benguet, ang `Ugbaya Festival’ ng Mountain Province at ika-dalawamput lima nilang anibersaryo at ika-apat na `Bodong Festival’ sa Kalinga.

Kanselado pa din ang tourism activities sa mga munisipalidad ng Atok, Bakun at Kabayan Benguet, Tinglayan at Pasil sa Kalinga, Mountain Province at Sagada.

Ikaw ba iDOL, kailangan ba talagang suspindihin ang mga malalaking selebrasyon kung saan maraming tao ang siguradong pupunta?

Facebook Comments