DOH-CHD REGION 1, PINATITIYAK SA MGA LGU ANG KASIGURADUHAN NG COVID19 VACCINE MATAPOS ANG AKSIDENTENG PAGKASUNOG NG MGA BAKUNA SA ILOCOS NORTE

Nagpaalala ang Department of Health-Center for Health Development 1 sa mga Lokal na pamahalaan sa Ilocos Region na tiyakin ang seguridad ng paglalagakan ng bakuna matapos ang nangyaring pagkasunog ng mga bakuna sa San Nicolas Ilocos Norte.

Ayon kay Dra. Magnolia Brabante ang Demand Generation Chair ng DOH-CHD1, matapos ang insidente nagpalabas ng advisory ang kagawaran sa mga LGUs na tiyakin ang kaligtasan ng paglalagakan ng COVID-19 Vaccine.

Aniya, dapat umanong matuto ang ilang LGUs at gumawa ng contingency measures upang maprotektahan ang bakuna.


Dagdag ni Dra. Brabante, kailangang magsagawa ng inspeksyon o pagbabantay sa storage facility ng bakuna upang hindi na maulit ang nangyari sa Ilocos Norte.

Samantala, ngayong buwan ng Setyembre nakatanggap na ng higit 300, 000 na COVID-19 Vaccine ang rehiyon, katumbas ito ng 23% ng 1. 3 milyong bakuna na inaasahan ngayong buwan.

Facebook Comments