Aminado ang Department of Health Center for Health Development 1 na malayo pa ito sa target na 50% na kailangang maturukan ng booster dose sa Ilocos Region.
Ayon kay Dr. Rheuel bobis, DOH-CHD1 Covid-19 Focal person, sa kasalukuyang datos ng kagawaran nasa 21.98% o katumbas ng higit 900k residente ng rehiyon ang naturukan ng booster dose.
Patuloy ang isinasagawang information and dissemination campaign ng kagawaran upang itama ang mga paniniwala ng iba na kapag mayroon ng dalawang dose ng bakuna ay sapat na ito upang magbigay ng proteksyon.
Paglilinaw ni.Bobis, bumaba ang immunity na ibinibigay ng bakuna matapos ang anim na buwan kung kaya’t mahalaga na maturukan ng booster shot upang bumalik ang immunity laban sa sakit. | ifmnews
Facebook Comments