DOH-CHD1 HINIKAYAT ANG EDAD 9-13 MAGPABAKUNA KONTRA HPV (HUMAN PAPILOMA VIRUS)

Nanawagan ang Department of Health-Center for Health Development 1 sa mga magulang na may anak na babae edad siyam hanggang labing tatlo na magpabakuna laban sa Human Papillomavirus (HPV) upang makaiwas sa cervical cancer.

Sinabi ni Dra. Veronica De Guzman ng DOH-CHD1, sexually transmitted umano ang HPV kung kaya’t mainam na sa murang edad pa lang ay mabakunahan na ang mga ito sa sakit.

Aniya, libreng ibinibigay ang bakuna sa lahat ng rural health units sa rehiyon. Dalawang dose umano ito upang tuluyang maprotektahan ang sarili sa HPV.


Layunin ng programa na mailayo ang kababaihan hindi lamang sa HPV maging sa genital warts, vaginal at anal cancer.

Facebook Comments