DOH-CHD1, NAGSASAGAWA NA NG SURVEILLANCE SA SAKIT NA MONKEYPOX

Bagamat wala pang kaso ng monkeypox sa bansa, inihayag ng Department of Health-Center for Health Development na nagsasagawa na ito ng surveillance o pagmamatyag sa sakit dahil sa pagdami ng mga bansang nagkakaroon ng kaso ng sakit.
Ayon kay Dra. Paula Paz Sydiongco, DOH-CHD1 Regional Director, banta umano ito dahil mayroon ng mga bansang nagdeklara ng epidemic dahil sa sakit.
Nagkaroon umano ng suspected case sa rehiyon ng sakit ngunit sa isinagawang surveillance lumabas na ito ay chicken pox.

Aniya, ang mga hospital at health centers sa rehiyon ay naabisuhan na sa pagsasagawa ng mga surveillance bilang kahandaan sa sakit.
Ilan sa mga sintomas aniya ng sakit ay pagkakaroon ng sobrang sakit ng ulo, paglaki ng mga lymph nodes at pagkakaroon ng rashes.
Dagdag nito, sa bansang africa kadalasang nakukuha ito sa pakikipagtalik ng mga lalaki sa kapwa nila lalaki.
Dahil dito,hinikayat ni Sydiongco ang publiko na mainam pa rin na magsuot ng face mask at sumunod sa social distancing na hindi lamang panlaban sa covid 19 maging sa sakit na monkeypox. | ifmnews
Facebook Comments