Iginiit ng Food and Drug Administration (FDA) na dapat magkaroon ang Department of Health (DOH) ng guidelines sa paggamit ng AstraZeneca vaccine.
Nabatid na nagbigay na ng go signal ang FDA para gamitin ang naturang bakuna sa may edad 60-anyos pababa.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, makakatulong ang guidelines sa mga vaccinators lalo na sa kung paano mababantayan ng mga naturukan ang kanilang mga sarili para sa posibleng adverse reactions.
Paglilinaw ni Domingo na wala pang insidente ng blood clotting o pamumuo ng dugo matapos mabakunahan ng AstraZeneca sa bansa.
Facebook Comments