Dinipensahan ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng face shields.
Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea De Guzman, nagbibigay ng 99% protection laban sa viral infection ang pagsusuot ng face mask, face shield at kapag sinunod ang physical distancing.
Aniya, nasa 78 hanggang 85% lamang ang naibibigay kapag nagsuot lamang ng face masks.
Kaugnay nito, itinanggi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na atras-abante ang pamahalaan ukol sa face shield policy.
Aniya, sina Senate President Tito Sotto III at Senator Joel Villanueva ang unang nag-anunsyong hindi na required ang pagsusuot ng face shield sa labas.
Giit ni Roque na walang mali sa pabago-bago at pag-a-adjust ng polisya dahil kailangang mag-adapt ng pamahalaan sa mutations at variations ng COVID-19.