Dumipensa ang Department of Health (DOH) sa deployment status ng COVID-19 vaccine sa bansa.
Ito ang tugon ng pamahalaan sa pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno na sobrang mabagal ang deployment ng mga bakuna sa mga local government units (LGUs).
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, sumusunod lamang ang mga kaukulang ahensya sa tamang proseso.
Giit ng kalihim na may mga proseso na kailangang sundin bago ipadala ang mga bakuna sa local level at maiturok sa mga tao.
Sa kaso ng Sinovac vaccines, kailangan ng Certificate of Analysis para magsilbing patunay na ligtas at epektibo ang bakuna.
Aniya, hindi pwedeng basta-basta ang pagtuturok ng bakuna na walang malinaw na authorization.
Samanatala, ang DOH ay nakikipag-coordinate sa mga concerned agencies para sa pagtatayo ng vaccination site sa Nayong Pilipino.