DOH, dumepensa sa ibinunyag ni Sen. Lacson hinggil sa sinasabing mga overpriced na ambulansya

Dumepensa ang Department of Health (DOH) sa akusasyon ni Sen. Panfilo Lacson hinggil sa sinasabing pagbili nila ng overpriced na mga ambulansya.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, dumaan sa dalawang proseso ang pagbili nila ng mga ambulansya.

Aniya, lahat ng transaksyon ng DOH ay transparent.


Inihayag din ni Vergeire na kumpleto ang equipment sa loob ng mga ambulansyang binili ng DOH.

Kasama rin aniya rito ang specs at training sa ambulance drivers at healthcare workers na itatalaga rito.

Facebook Comments