Iba pang hospital staff, pinasasama rin sa mga dapat makatanggap ng SRA

Hinikayat ng isang kongresista ang Department of Health na palawigin pa ang listahan ng mga health workers na dapat mabigyan ng Special Risk Allowance (SRA).

Ayon kay House Deputy Minority Leader Stella Quimbo, dapat maisama rin ng DOH sa mga dapat mabigyan ng SRA ang iba pang hospital staff na lantad sa COVID-19.

Kabilang sa mga ito ang medical technologists, janitors at iba pang kawani sa mga medical facilities.


Batay sa Bayanihan 2, ang mga healthcare workers lamang na may direct contact sa COVID-19 patients ang makakatanggap ng SRA.

Facebook Comments