DOH, dumepensa sa malaking pondo ng Office of the Health Secretary para sa 2021

Umalma ang Department of Health (DOH) sa ulat na mapupunta sa Office of the Secretary ang malaking bahagi ng panukalang pondo ng DOH para sa taong 2021.

Ayon kay Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, kung susuriin nang mabuti ang detalye ng panukalang ₱204 billion na pondo ay makikita na mapupunta ito sa kanilang preventive and promotive, rehabilitative and treatment, at regulatory para sa mga ospital at iba pa.

Bawat opisina aniya ng DOH ay nakapaloob sa pondo ng Office of the Secretary, at may line list lamang.


Sa kabila nito, inamin ni Vergeire na ang opisina ni Health Sec. Francisco Duque III at ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang may malaking parte sa budget na nakapaloob sa panukalang pondo ng DOH sa 2021.

Facebook Comments