Dumipensa ang Department of Health (DOH) sa mabagal na COVID-19 vaccination process ng gobyerno.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kailangan kasing bantayan ang side effects ng bakuna sa mga naturukan nito.
Aniya, ang mga indibidwal na nabakunahan laban sa sakit ay mananatili muna sa observation area sa loob ng 30 minuto bago paalisin upang matiyak na walang severe side effects.
Sa ngayon aniya ay pinaghahanap na nito ang mga ospital ng mga malaking eskuwelahan o mga gymnasium para doon gawin ang mass post-vaccination observation activity.
Una nang sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na baka abutin ng hanggang 2033 bago maabot ng bansa ang herd immunity laban sa sakit kung hindi magbabago ang aksiyon ng DOH.
Facebook Comments