Miyembro ng CG Labang Group, Arestado

46

Cauayan City, Isabela- Nasamsam sa isang miyembro ng CG Labang Group ang ilang armas at bala matapos isilbi ng mga otoridad ang Search Warrant kahapon sa Brgy. Illuru, Rizal, Cagayan.

Base sa inisyal na report ng PNP, nakilala ang suspek na si Ronald Gannaban, 40-anyos, magsasaka at residente sa nabanggit na lugar.


Naaresto ang suspek ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Intelligence Unit PIU-PDEU, PNP Rizal, 1st PMFC at CPPO SWAT team matapos ipalabas ang warrant ni hukom Efraim B. Calimuhayan ng MTC Second Judicial Region, Rizal, Cagayan laban sa suspek.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakumpiska ng dalawang (2) hand grenades, isang (1) caliber 38 na may lamang limang (5) bala at labing-siyam (19) na bala ng caliber 5.56.

Nahaharap si Gannaban sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments