Handa ang Department of Health (DOH) na humarap sa imbestigasyon sakaling ipatawag sila kaugnay sa planong pagbili ng gobyerno ng ₱1 billion na halaga ng Remdesivir.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nasa 50 ospital na ngayon sa bansa ang gumagamit ng antiviral drug na inaprubahan ng mga eksperto kagaya ng Philippine Society of Microbiology and Infectious Disease.
Paliwanag ni Duque, ilang eksperto na ang nagbigay ng opinyon na nakakatulong talaga ang Remdesivir lalo na sa mga pasyenteng nasa severe at critical cases laban sa COVID-19.
Kaugnay nito, kinuwestiyon naman ng ilang kongresista ang hakbang na ito ng DOH lalo na’t hindi naman anila napipigilan ng naturang gamot ang mga malalang kondisyon ng mga COVID-19 patients.
Facebook Comments