DOH, hindi irerekomenda ang pagbabago ng depinisyon ng fully vaccinated

Hindi irerekomenda ng Department of Health (DOH) na baguhin ang depinisyon ng fully vaccinated o ganap ng bakunado at isama COVID-19 booster shot.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, magdudulot ito ng kalituhan sa publiko lalo na’t marami pa ang hindi pa rin bakunado.

Aniya, ang dalawang dose ng COVID-19 vaccine ay nagbibigay pa rin ng proteksyon.


Ang redefinition din aniya ay maaari ring magdulot ng kalituhan kung ang pagbabakuna sa COVID-19 ay sapilitan o boluntaryo.

“Kaya gusto lang ho nating ipatupad kung ano iyong mas pina-practice po sa ibang bansa, mas may ebidensiya tayo at sa tingin natin ay mas makakabuti para sa ating mga kababayan. So in the coming days, we will be issuing out an advisory para po dito para informed lahat ng ating mga kababayan,” ani Vergeire

Tiniyak naman ni Vergeire na maglalabas ang kagawaran ng advisory hinggil dito sa mga darating na araw.

Facebook Comments