Mahigit 900 indibidwal na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal, nabigyan ng tulong ng RMN Foundation, DZXL at iFm Manila

44

Aabot sa 186 pamilya o katumbas ng 938 indibidwal na naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal ang nabigyan ng tulong ng RMN Foundation, DZXL at iFM Manila.

Kabilang sa mga paaralang pinuntahan ng RMN Foundation, DZXL at iFM Manila ang mga sumsusunod:

 Barigon Elementary School
 Barigon Covered Court
 Mahabang Gulod Elementary School
 Coral na Munti National High School
 Coral na Munti Elementary School


Nakatanggap ang mga evacuees na ito sa nasabing mga paaralan ng food packs, tubig at mga hygiene kit.

Naging katuwang din ng RMN Foundation, DZXL at iFM Manila ang London Stock Exchange Group (LSEG), ACS Manufacturing Corporation, Maynilad Water Services, Incorporated at ang lokal na pamahalaan ng Agoncillo, Batangas.

Para naman sa mga nais tumulong, maaari po kayong makipag-ugnayan sa Official Facebook page ng RMN Foundation.



Facebook Comments