Manila, Philippines – Inamin ng Department of Health na mistulang nakagapos ang kanilang kamay sa pag regulate sa paggamit ng electronic cigarettes.
Nilinaw ni Asec. Erick tayag, DOH spokesman na hindi pwedeng pakialaman ng kagawaran ang bentahan ng e-cigarette sa merkado dahil wala namang nalikhang batas na magbabawal dito.
Ito ay sa dahilang hindi sakop ng executive order ni President Rodrigo Duterte ang vape kundi ang ibinawal lamang ay paninigarilyo sa publiko.
Ayon kay Tayag, ang magagawa lamang nila ay magsagawa ng kilos pangkabatiran ukol sa epekto ng vaping.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Facebook Comments