Tatlo, patay sa lungsod ng Maynila

Manila, Philippines – Tatlo ang patay sa magkahiwalay na kaso ng pamamaril at police operation sa Tondo, Maynila kaninang madaling araw.

Unang napatay ang 42-anyos na si Ricardo Manlapaz matapos pagbabarilin Sa Rizal St. Brgy. 104,

Ayon sa MPD Homicide Section, natutulog ang biktima sa loob ng isang kuliglig nang paputukan ito ng isang lalaking angkas ng motorsiklo. Agad na tumakas ang mga suspek na hindi namukhaan ng mga nakatambay sa lugar.


Samanatala, patay din ang dalawang lalaki matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Mabagos St. sa Tondo.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang Moriones police station sa lugar kung saan naaresto ang anim na katao.

Ngunit may nagpaputok sa pulis na mga kasama ng suspek kayat nauwi ito sa engkwentro at tinamaan ang dalawa na hindi pa nakikilala.

Isinugod pa sa Gat Andres Memorial Medical Center ang tatlong mga lalaki ngunit lahat sila ay idineklarang dead on arrival.

Facebook Comments