Hinihintay ng Department of Health (DOH) ang report ng Philippine Red Cross (PRC) hinggil sa paggamit ng saliva samples para sa COVID-19 testing para malaman kung magagamit na ba ito sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, humingi ang PRC ng karagdagang panahon.
Aniya, isinasapinal na lamang ng PRC ang analysis.
Bukas, inaasahang ipiprisenta ng PRC ang kanilang report sa laboratory expert panel.
Kapag ‘acceptable’ ang resulta ng pag-aaral, isusumite ito sa Health Technology Assessment Council na siyang gagawa ng rekomendasyon.
Dapag maaprubahan din ng Food and Drug Administration (FDA) ang saliva test kits.
Kapag naaprubahan ito at nabigyan ng validation mula sa gobyerno ang pag-aaral ay maaari na itong gamitin.
Facebook Comments