DOH, hinikayat ang mga LGU na gumawa ng mga dekalidad na vaccination cards

Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga alkalde sa Metro Manila na tiyakin na mag-iisyu sila ng mga lehitimo o may magandang kalidad na vaccination card upang iwas-pamemeke o pananamantala.

Ang pahayag ay ginawa ng DOH makaraang matuklasan na mayroong ilan na nagsasamantala na gumagawa ng mga pekeng vaccination card upang mapatunayan na nabakunahan na sila.

Ayon sa DOH, mahalaga umano na gumawa ng mga dekalidad at hindi mapepekeng vaccination cards ang mga lokal na pamahalaan upang mahirapan ang mga nagbabalak na magsasamantala at gumagawa ng pekeng vaccination cards.


Una rito, nagpahayag ang Palasyo ng Malakanyang na ang sinumang mahuhuling namemeke ng vaccination cards ay kakasuhan at managot sa batas upang huwag pamamarisan ng ibang nagpaplanong magsamantala.

Facebook Comments