Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga ospital na i-refer ang mga mild at asymptomatic COVID-19 case sa mga temporary treatment at monitoring facilities.
Kasunod ito ng ulat ng DOH na labing isang ospital sa Metro Manila ang mayroong 100 percent utilization rate sa kanilang intensive care unit (ICU) beds para sa mga pasyente ng COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, parte ito ng kanilang protocol para maiwasan ang siksikan sa mga ospital sa gitna ng pandemya.
Aniya, kailangan pa ring pagtuunan ng pansin ang mga mild at asymptomatic na kaso.
Pero ang mga pasyenteng mild at asymptomatic na may pre-existing condition ay papayagang ma-confine sa mga ospital.
Sabi ni Vergeire, maaaring gayahin ng mga ospital ang naging paraan ng Philippine General Hospital (PGH), na nakipagtulungan sa Philippine International Convention Center (PICC), na isa ng treatment at monitoring facility para sa mild at asymptomatic patients.