Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga local government unit sa bansa na sundin pa rin ang national mask mandate.
Ito ay matapos gawing opsyonal na lamang ng lokal na pamahalaan ng Cebu ang pagsusuot ng facemasks.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangang iisa lamang ang protocol na dapat sundin ng bansa pagdating sa pagsusuot ng facemask upang mapanatili ang mababang kaso ng COVID-19.
Dagdag pa niya na kailangan pa rin ang pagsusuot ng face mask dahil mayroong pa ring banta ng sub-variants sa Pilipinas at hindi pa ganoon kataas ang antas ng pagbabakuna sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Binabala rin ni Vergeire na nakaranas ng COVID-19 surge ang ibang bansa matapos na alisin ang mandatong pagsusuot ng facemask.
Facebook Comments