14 na mga lungsod sa NCR, nakitaan ng pagtaas ng kaso sa COVID-19

71

Nakitaan ng Department of Health (DOH) ng bahagyang pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 ang 14 sa 17 na mga lungsod sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tumaas sa 1.6%
ang positive growth rate sa mga lungsod na ito.

Ngunit nilinaw niya na ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon ay hindi banta dahil hindi tumaas ang bilang ng severe at critical cases sa mga ospital.


Dagdag pa ni Vergeire na hindi magtuloy-tuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 at isasailalim pa rin sa low risk classification ang NCR.

Facebook Comments