DOH, hinimok ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak kontra Polio, Rubella, at Tigdas sa Pasay City

Hinimok ng Department of Health (DOH), ang mga magulang na samantalahin ang libreng bakuna kontra sa Polio, Rubella, at Tigdas.

Sa ngayon ay sinimulan na ang registration sa Brgy. 183 Villamor Pasay para sa Chikiting Ligtas bakunahan ng DOH.

Ayon kay Cerissa Marie Caringal, ang medical coordinator ng DOH kabilang sa mga babakunahan ang 9 hanggang 59 months para sa Measles-rubella Vaccine at new born to 59 months para naman sa Bivalent Oral Polio vaccine.


Samantala, nasa 40 bata ang inaasahang makikibahagi sa DOH Supplemental Immunization Activity Kick-Off ngayong araw sa lungsod ng Pasay.

Facebook Comments