Oath taking ng mga successful 2022 Bar passers, isasagawa ng Korte Suprema

All set, ang isasagawang oath taking ng mga nakapasa sa 2022 Bar Exams.

Ang nasabing oath taking ay ikakasa sa Philippine International Convention Center (PICC) Plenary Hall, mamayang alas-10:00 ng umaga.

Sa abiso ng Supreme Court, kada Bar passer ay maaaring magsama ng dalawang guest.


Pero ang mga ito ay makakanood ng seremoniya sa ibang hall ng PICC, dahil sa limitadong espasyo ng plenary hall.

Ang mga media at mga kaanak o kaibigan ng mga pumasa sa Bar ay maaring manood ng seremoniya sa YouTube channel at Facebook page ng Supreme Court.

Ang nasabing hakbang ay paraan na rin upang maiwasana ang hawaan ng anumang uri ng sakit, kung saan humihingi naman ng pang-unawa ang Korte Suprema sa mga nais makasaksi ng Oath Taking.

Facebook Comments