Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa mga senior citizens na tulungan nag pamahalaan sa laban nito sa COVID-19 pandemic.
Ito ay sa pamamagitan ng pagbabakuna laban sa sakit.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang lahat ng mga bakunang aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) ay ligtas at epektibo.
“Ibig sabihin, nakapagpakita sila ng sapat na proteksyon against the variants, nakapagkita sila ng sapat na proteksyon against severe disease, hospitalizations, and against deaths,” ani Vergeire.
Sinabi ni Dr. Marc Abat ng University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH), ang mga senior citizens ay may mataas na tiyansang magkaroon ng severe form ng COVID-19 kapag sila ay nahawaan.
Ang mga senior citizen na may sakit sa puso, bato at mayroong diabetes at chronic obstructive pulmonary disease ay mas vulnerable sa COVID-19.
“Mas mataas ang pagkakataon na magkaroon ka ng severe illness. Pangalawa, mas mataas ang pagkakataon din na lumala ang mga comorbidities mo,” sabi ni Abat.
Una nang sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na aabot sa siyam na milyong senior citizen ang nasa master list ng COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.