DOH, hinimok na gawing online na lamang ang mga Christmas activities

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na online Christmas celebration na lamang ang gawin ngayon sa paparating Pasko.

Ito ay para maiwasan ang anumang pagtitipon at mapigilan ang paghahawaan ng COVID-19 virus.

Inirekomenda rin ni DOH Health Promotion Bureau Rodley Desmond Carza na gawin na lamang online mass ang Simbang Gabi pati na rin ang Noche Buena at Media Noche para sa kamag-anak na nasa malayong lugar.


Nagpaalala naman si DOH Undersecretary Rosario Vergeire na huwag pa ring kakalimutang pairalin ang mga health protocols.

“Kailangan sundin lang po natin ang mga protocols natin. Like here in Metro Manila, remember we are still in General Communuity Quarantine (GCQ). So, kapag naka-GCQ po ang isang area may mga specific restricstions pa rin. Hindi pa rin po all out ‘yan. Like for example, for mass gathering hindi pa rin po iyan pinapayagan.” ani ni Vergeire.

Samantala, pagpupulungan naman ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang tungkol sa pagba-ban o pagbabawal sa anumang klase ng street caroling.

Nauna na itong iminungkahi ni Cagayan Governor Manuel Mamba at sinabing maaari nang maglabas ng ordinansa para rito ang mga lokal na pamahalaan pero mas magiging epektibo aniya kung manggagaling mismo sa IATF ang kautusan.

Facebook Comments