Miss Universe Philippines Rabiya Mateo at 2nd runner up Michelle Gumabao, nagsama sa isang relief operation

58

Nagsama sina Miss Universe Philippines Rabiya Mateo at 2nd runner-up Michele Gumabao sa para sa isang relief program.

Bagama’t mainit pa ang kontrobersiya sa nangyaring Miss Universe Philippines noong nakaraang buwan, isinantabi muna ito ng dalawa at nagpatuloy sa pagre-repack ng mga bigas at iba pang relief goods para sa mga nasalanta ng Bagyong Rolly.


Kasama rin nila sina 1st runner-up Ysabella Ysmael, 3rd runner-up Pauline Amelinckx at 4th runner-up Billie Hakenson.

Matatandaang nagpahayag na ng saloobin si Michelle at sinabing hindi siya galit pero nalulungkot siya sa nangyari dahil bata pa lamang ay pangarap na niyang maging isang beauty queen.

Facebook Comments