DOH, humingi na ng tulong sa ibang mga bansa para makakuha ng gamot na Tocilizumab

Aminado ang Department of Health (DOH) na hirap sila makakuha ng supply ng Tocilizumab na gamot sa COVID-19.

Ito ay dahil sa maraming mga bansa ang nag-aagawan ngayon sa nasabing gamot.

Bunga nito, nagpasaklolo na ang DOH sa embahada ng Pilipinas sa Switzerland at Estados Unidos para makakuha ng suplay ng Tocilizumab.


Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, pinag-aaralan na rin nila ang mga posibleng alternatibong gamot sa COVID.

Samantala, wala naman aniyang problema sa suplay ng Remdesivir dahil may direktang ugnayan ang gobyerno sa supplier nito.

Facebook Comments