Iginiit ng Department of Health (DOH) na nakabatay sa scientific evidence ang kanilang polisiya para sa COVID-19.
Ito ang tugon ng kagawaran matapos ihayag ni Atty. Larry Gadon na tinatakot ng DOH ang mga tao at pinuna ang mga polisiya nito hinggil sa basic precautionary measures.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hinimok niya ang publiko at mga personalidad sa bansa na tulungan sila sa pagpapakalat ng tamang impormasyon.
Lahat ng ipinapatupad ng DOH ay base sa siyensya at mga datos.
Para kay Vergeire, ang mga pahayag ni Gadon ay makakaapekto lamang sa pagtugon ng pamahalaan laban sa COVID-19.
Muling iginiit ng DOH na ang paggamit ng face masks ay nakakatulong para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Nanindigan din ang DOH na patuloy nilang paaalahanan ang mga tao na sumunod sa minimum health standards.