DOH, iginiit na hindi maaaring mag-procure ng COVID-19 vaccines ang mga LGU

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi maaaring ma-procure o maglunsad ng sariling vaccination program ang mga Local Government Units (LGUs).

Sa joint statement ng DOH, Food and Drug Administration (FDA) at National Task Force against COVID-19, kailangang may koordinasyon ang mga LGUs sa national govermment, sa pamamagitan ng NTF at ng DOH sa ilalim ng tripartite agreement kasama ang mga lokal na pamahalaan at pharmaceutical companies.

Paglilinaw naman ng FDA, ang Emergency Use Authorization na kanilang iniisyu ay hindi sakop ang commercial use ng mga bakuna.


Pagtitiyak ng DOH sa publiko na sumusunod ang pamahalaan sa equity principle.

Facebook Comments