Isang dalagang drug pusher sa lungsod ng San Juan, arestado sa buy-bust operation

92

Timbog ang isang dalaga na umano’y nagpapasok at nagtutulak ng ilegal na droga sa Lungsod ng San Juan, pasado alas-7:50 kagabi.

Nakilala ang suspek na si Pauline Ann Bongat Papa, 22-anyos at residente ng Brgy. West Crame ng naturang lungsod.


Nakuha mula sa kanya apat na maliit na sachet ng transparent plastic na naglalaman umano ng shabu.

Ayon sa San Juan PNP, ang suspek ay kasama sa top 10 most wanted drug personality ng Eastern Police District (EPD) at isa sa mga high value individual.

Nakakulong na ang suspek sa San Juan City PNP at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments