DOH, iginiit na hindi tamang magpalit ng liderato sa gitna ng pandemya

Muling ipinahayag ng Department of Health (DOH) ang kanilang pagsuporta sa kanilang pinuno na si Health Secretary Francisco Duque III.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi tamang magpalit ng liderato sa panahong kinahaharap ng bansa ang COVID-19 pandemic.

Iginiit ni Vergeire na hindi nagkulang si Duque sa pamumuno sa kagawaran.


Ang mga hakbang ng DOH sa paglaban sa COVID-19 ay nagsisimula nang magbunga.

Sa halip na palitan ang namumuno, nakiusap si Vergeire sa publiko na suportahan ang iba’t ibang inisyatibo ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Nabatid na muling pinagtibay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang suporta kay Duque sa kabila ng mga panawagang magbitiw na siya sa pwesto.

Facebook Comments