DOH, iginiit na kakaunti lamang ang mga nakaimbak na gamot  

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na kakaunti na lamang ang mga gamot na nakatakdang mag-expire.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque, mahigit 100,000 gamot na lamang ang natitira sa mga Regional Office ng DOH.

Pero sa Central Office, wala nang nakaimbak na gamot.


Ikinalungkot naman ni Sen. Bong Go ang naririnig nitong kaso ng mga gamot na hindi nagagamit lalo’t maraming Pilipino ang humihingi ng tulong medikal.

Nagsisimula na ang DOH sa Computerization para sa pagbili at pagtatabi ng mga iniimbak na gamot.

Nakikipagtulungan na rin ang kagawaran sa Usaid at World Health Organization (WHO) para rito.

Facebook Comments