AFP, iginiit na hindi nila na-bypass ang DND ukol sa kasunduan nito sa Dito Telecommunity

43

Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi nila na-bypass ang Dept. of National Defense (DND) hinggil sa kasunduan nito sa ikatlong Telecom player na dito Telecommunity.

Ayon kay AFP Chief of Staff, Gen. Benjamin Madrigal, nasunod nila ang proseso sa kasunduan.


Dagdag pa ni Magdrigal, walang itinatago ang AFP kaugnay nito.

Hindi mismo sa loob ng kampo ng militar ilalagay ang mga communication facilities.

Nasa ibang bansa noon si Defense Sec. Delfin Lorenzana kaya hindi agad nalaman ng kalihim ang tungkol sa kasunduan.

Wala namang magiging problema sa AFP kung hindi ito aaprubahan ni Lorenzana.

Una nang sinabi ng DND na pag-aaralan nila ang nilalaman ng kasunduan.

Facebook Comments

From Advertisers