DOH, iginiit na mananatili sa 14 days ang quarantine period

Mananatili sa 14 na araw ang quarantine period ng mga indibidwal na na-expose o may sintomas ng COVID-19.

Ito ang naging pahayag ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa kabila ng pagtaas ng kaso ng United Kingdom (UK) variant ng Coronavirus sa bansa.

Ayon kay Vergeire, lumabas sa pag-aaral na hindi nagbago ang mekanismo o paraan ng pagkalat ng bagong COVID-19 variant.


Aniya, ang dapat gawin ng mga Local Government Units (LGUs) ay tiyaking matatapos ng mga suspected at probable cases ang itinakdang quarantine period.

Kasabay nito, iginiit ng DOH na walang dahilan para magpatupad ng mas mahigpit na physical distancing sa mga pampublikong sasakyan.

Paliwanag ni Vergeire, sumunod lamang sa minimum health standards tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at pagbabawal sa pakikipag-usap at pagkain habang nasa loob ng bus, jeepney at trains.

Facebook Comments