11 mula sa 22 na minerong na-trap sa isang minahan sa China, nailigtas na

35

Umakyat na sa 11 minero ang nailigtas mula sa gumuhong Hushan Gold Mine Tunnel sa China matapos ang dalawang linggong search and rescue operation.

Ayon sa otoridad, isa na ang naitalang namatay habang ang natitirang sampu ay hindi pa matukoy ang kasalukuyang kalagayan.


Agad namang nakatanggap ng atensyong medikal ang mga nailigtas at dinala sa pinakamalapit na hospital.

Sa ngayon ay inaalam pa rin ang sanhi ng pagsabog na dahilan ng pagguho ng nasabing tunnel.

Facebook Comments