Walang umiiral na prioritization list ang pamahalaan sa gitna ng nagpapatuloy nitong COVID-19 vaccination program.
Ito ang iginiit ni DOH Officer-in-charge Maria Rosario Vergeire kasunod ng panawagan na buwagin ang prioritization list upang maiwasan ang pagkasayang ng bakuna laban sa virus.
Paliwanag ni Vergeire, nagkaroon lamang ng prioritization sa mga mababakunahan noong March 2021 dahil nag-uumpisa pa lamang vaccination rollout sa kabila ng kakulangan sa bakuna.
Dagdag pa ng opisyal, ipinatupad ito hanggang ikatlong quarter ng 2021 dahil hindi pa ganoon kadami ang suplay ng bakuna.
Pagsisiguro naman ni Vergeire na sapat na ang suplay ng COVID-19 vaccine ngayon hanggang sa katapusan ng taong 2022 kaya hinihikayat nito ang mga eligible individuals na tumungo ng kanilang kaukulang LGU upang magpabakuna.