Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang sapat na basehan na nag-iiwan ng pinsala sa organs ng tao ang COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, patuloy na pinag-aaralan ang anecdotal experiences ng ilan sa mga pasyenteng gumaling sa sakit.
Binabantayan din nila ang lagay ng mga nakarekober sa sakit para malaman kung nangyayari talaga ito.
Nabatid na sinabi ni World Health Organization Emergencies Director Michael Ryan na mayroong long term effects ang COVID-19 infections.
Batay naman sa isang pag-aaral sa Germany, ang COVID-19 patients na hindi na-admit sa mga ospital ay nagkaroon ng inflammatory changes sa cardiac linings at cardiac muscles ng kanilang puso base sa MRI scans.
Facebook Comments