Ikinatuwa ng Department of Health (DOH) ang pagkakatalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kay Health Undersecretary Maria Rosario Singh-Vergeire bilang officer-in-charge ng DOH.
Si Vergeire ay kasalukuyang Undersecretary for Public Health Services Team at Office of the Chief of Staff ng DOH.
Ayon sa DOH, ikinalulugod din nila ang tiwala ni Pangulong Marcos sa career executives ng DOH at ang tiwala sa responsilibidad na kanilang ginagampanan.
Tiniyak din ng DOH na patuloy nilang gagampanan ang kanilang trabaho sa paglaban sa pandemya at ang pagsusulong sa universal health care para sa mga Pilipino.
Facebook Comments