BALABAG FIRE SUB- STATION SA BORACAY, BINUKSAN NA NGAYONG ARAW

14
Malay, Aklan- Opisyal ng binuksan ang Balabag fire sub-station sa boracay, Malay Aklan ngayong umaga July 14. Pinangunahan ni BFP Fire Director Louie Suralta Puracan ang pag activate ng nasabing station. Ayon sa panayam kay CSupt. Jerry Candido, BFP regional director 6, ito ay para mapabilis ang pagresponde sa oras ng sunog o anumang emergency medical cases. Aminado ito na hindi ganoon kalawak ang kalsada sa boracay at hindi maiiwasan ang matraffic sa pagresponde. Napag alaman na mayroong nang fire station sa Brgy. Manocmanoc ngunit ilang kilometro pa ang layo nito mula sa Balabag.
Facebook Comments