Inaalam pa ng Department of Health (DOH) kung mayroong local transmission ng Delta variant sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kapag sinabing local transmission, mayroong koneksyon ang mga indibiduwal na nagkaroon ng Delta variant.
“Sa ngayon po, we are yet to determine that so hindi pa po kami nakakapag-pronounce na may local transmission tayo,” sabi ni Vergeire.
Sinabi naman ni Dr. Rontgene Solante na posibleng nangyayari na ang local transmission ng Delta variant.
“I would speculate that based on the cases na na-document ng PGC (Philippine Genome Center), there are those cases na hindi related doon sa returning OFWs so there are what we call local cases and with that demographic, then I would say mukhang merong local transmission ang Delta variant,” sabi ni Solante.
Tiniyak ni Solante sa publiko na ang mga indibiduwal na fully vaccinated ay may mababang risks mula sa Delta variant.