Sinisilip na ng Department of Health (DOH) ang mga ulat na maaaring dapuan ang isang indibidwal ng dalawang magkaibang variants ng COVID-19.
Batay sa report ng Reuters, natuklasan ng mga researchers sa Brazil na mayroong silang dalawang pasyente na tinamaan ng dalawang magkaibang strains ng coronavirus.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pinag-uusapan pa ito ng mga eksperto at ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Mahalagang mapag-aralan ito dahil mahirap aniya ang magiging response sakaling pwedeng magkaroon ng dalawa o higit pang varian ng COVID-19 ang isang tao.
Facebook Comments