DOH, inaalam na ang umano’y mga bakunang dinala sa bahay ng isang pulitiko sa Samar

Inaalam na ng Department of Health (DOH) ang mga ulat hinggil sa 15 Sinovac doses na dinala sa bahay ng isang politiko sa bayan ng Catarman sa Northern Samar.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi pa nakakapagsumite ng report ang local health authorities ng Samar hinggil dito.

Aniya, kailangan pa nilang malaman kung totoo ito bago magbigay ng aksyon.


Nanawagan naman si Vergeire sa mga lokal na opisyal na makipagtulungan sa pambansang pamahalaan sa paglulunsad ng bakuna.

Facebook Comments