DILG, iimbestigahan na ang isang “viral party” sa Quezon City

Iniimbestigahan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang isang viral party sa Quezon City.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, naglabas na noon ang DILG ng kautusan hinggil sa pagpapataw ng parusa sa mga lumalabag sa mass gathering.

Aniya, ang mapapatunayang responsable sa nasabing party ay tiyak na mapaparusahan.


Muli namang nagpaalala si Vergeire na mahigpit na ipinagbabawal ang mass gathering ngayong panahon ng pandemya.

Facebook Comments