DOH, inalerto ni Senator Binay sa inaasahang pagtaas ng kaso ng dengue ngayong tag-ulan

Manila, Philippines – Pinaghahanda na ni Senator Nancy Binay ang Department of Health o DOH sa posibleng pagtaas ng kaso ng dengue ngayong panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Binay, dapat may isinasagawa ng hakbang ngayong ang DOH para puksain ang mga lamok na naghahatid ng sakit na dengue.

Diin pa ng Senadora, ngayon pa lang ay dapat nag-iimbentaryo na ang DOH ng mga gamot, dugo at iba pang mga maaaring kailanganin ng mga kababayan nating maaaring magkaroon ng dengue.


Giit ni Senator Binay, hindi dapat maging kampante ang DOH dahil ang dengue ay malubhang sakit na nakakamatay.

Tinukoy ni Senador Binay ang impormasyon mula sa DOH na umakyat na sa 36,000 ang kaso ng dengue na naitalasa buong bansa sa unang limang buwan pa lang ng kasalukuyang taon.

Ikinabahala pa ng senadora ang record ng Epidemiology Bureau ng DOH na umaabot 207 ang namamatay dahil sa sakit na dengue deaths simula nitong January 1, 2017 hanggang May 20.

Facebook Comments